PANGNGALAN (NOUN)
- mga salitang nagbibigay-turing sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o pangyayari
- ginagamit bilang katawagan sa mga bagay na nakikita o di-nakikita
*turing - tawag, ngalan
DALAWANG URI ng PANGNGALAN
a. PANTANGI (Proper) - mga pangngalang nagbibigay-turing sa mga TANGING ngalan at nagsisimula
sa malaking titik
Halimbawa - Pangulong Benigno Aquino III , Nora Aunor, Fernando Poe Jr., Jose Rizal
Mongol , Toshiba, Jollibee, Marikina Exchange
Maynila, Pilipinas, Mall of Asia
b. pambalana (common) - mga pangngalang nagbibigay-turing sa pangkaraniwan o panglahatan at
nagsisimula sa maliit na titik
Halimbawa - pangulo, artista, direktor, lapis, computer, kainan, pasyalan, bola, sasakyan
Mga Uri ng Pambalana
- tahas (concrete) - mga turing sa pambalang nakikita, naaamoy, naririnig, nalalasahan o nahahawakan
Halimbawa : bola, parke, simbahan, bayani, ibon
- basal (abstract) - mga turing sa pambalanang nabubuo sa isipan o damdamin
Halimbawa : pagkakaisa, kasiyahan, katahimikan, katapangan, kalayaan
* Pansining ang mga basal ay karaniwan pinangungunahan ng panlaping ka- o pag-.
MGA KASARIAN NG PANGNGALAN
a. Panlalake ( Masculine) - mga pangngalang tumutukoy sa panlalakeng kasarian
Halimbawa : tatay, lolo, Jose, kuya, tandang, barako, kalakian, Mandy, abogado, tiyo, bayaw, pari
b.Pambabae (Feminine) -mga pangngalang tumutukoy sa pambabaeng kasarian
Halimbawa - nanay, lola, Josefa, ate, inahin, abogada, doktora, madre, tiya, hipag
c. Di-Tiyak (Neuter) - mga pangngalang tumutukoy sa di-tiyak na kasarian , maaaring lalake o babae
Halimbawa - magulang, matanda, bata, kapatid, manok, kalabaw, manggagamot, manananggol, asawa
d. Walang Kasarian (Common) - mga pangngalang tumutukoy sa mga walang kasarian
Halimbawa - bahay, tungkod, palengke, paaralan, aklat
MGA KAUKULAN NG PANGNGALAN
a. Palagyo - kung ang pangngalan ang pinag-uusapan o kumikilos sa pahayag (subjective)
* bilang simuno - Si Jose Rizal ay nagsulat ng mga nobela. (subject)
* bilang kaganapang pansimuno- Ang pinuno ng Katipunan ay si Andres Bonifacio. (subject complement)
* bilang pamuno- Ang Noli Me Tangere , isang nobela, ay tumatalakay sa isyung politikal. (appositives)
b. Palayon - kung ang pangngalan ay ginamit bilang tagatanggap (objective)
*bilang tuwirang layon - Naghanda ng pagkain ang aking Nanay para sa pamilya. (direct object)
*bilang layon ng pang-ukol - Naghanda ng pagkain ang aking Nanay para sa pamilya ( object of the preposition)
c. Paari - kung ang pangngalay ay tumutukoy sa pagmamay-ari (possessive)
Ang tungkod ni Lolo ay mahalaga sa kanyang paglalakad.