Sabado, Hunyo 29, 2013

Ang Mga Kayarian ng mga Salita

Ang Mga Kayarian ng mga Salita
 *kayarian (form)- pagkakabuo, porma

    Ang mga salita ay iniuuri ayon sa kanilang kayarian. Mayroong apat na kayarian ng mga salitang Filipino. Ito ay ang mga sumusunod:
   
    A. Payak  - Ito ay tumutukoy sa mga salitang nasa pinakasimpleng kayarian. Tinatawag din itong salitang- ugat.
         Halimbawa:   bata  laro  ayos  salita  ganda  takbo

    B. Maylapi - Ito ay tumutukoy sa mga salitang may panlapi. Maaaring mabasa ang panlapi sa unahan ( unlapi), gitna ( gitlapi) , hulihan ( hulapi) at kabilaang bahagi ng salitang-ugat.
         Halimbawa:   kabataan  maglaro  umayos  nagsalita   pinaganda   tumakbo

    C. Inuulit - Ito ay tumutukoy sa mga salitang inuulit. Maaaring buong salita o ilang pantig lang ang ulitin.
         1. Inuulit na ganap - buong salita ang pag-uulit
               Halimbawa: araw-araw  sila-sila  bata-bata  ganda-ganda
         2. Inuulit na di-ganap - inuulit ang ilang pantig ng salita
               Halimbawa: kabi-kabila  dala-dalahan  kapa-kapatid

    D. Tambalan - Ito ay tumutukoy sa dalawang salitang magkaiba ang kahulugan na pinag-isa. Maaari itong magkaroon ng ibang kahulugan.
         1. Tambalang ganap - mga salitang tambalang nagkakaroon ng ibang kahulugan kapag nabuo na
                Halimbawa - bahag (g-string) + hari ( king

Sabado, Setyembre 22, 2012

PANGNGALAN (NOUN)
       - mga salitang nagbibigay-turing sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o pangyayari
       - ginagamit bilang katawagan sa mga bagay na nakikita o di-nakikita
              *turing - tawag, ngalan
   DALAWANG URI ng PANGNGALAN
     a. PANTANGI (Proper) - mga pangngalang nagbibigay-turing sa mga TANGING ngalan at nagsisimula  
                                             sa malaking titik
           Halimbawa - Pangulong Benigno Aquino III , Nora Aunor, Fernando Poe Jr., Jose Rizal
                                 Mongol , Toshiba, Jollibee, Marikina Exchange
                                 Maynila, Pilipinas, Mall of Asia
     b. pambalana  (common) - mga pangngalang nagbibigay-turing sa pangkaraniwan o panglahatan at
                                              nagsisimula sa maliit na titik
           Halimbawa - pangulo, artista, direktor, lapis, computer, kainan, pasyalan, bola, sasakyan
      Mga Uri ng Pambalana
        - tahas (concrete) - mga turing sa pambalang nakikita, naaamoy, naririnig, nalalasahan o nahahawakan
                      Halimbawa : bola, parke, simbahan, bayani, ibon
        - basal (abstract) - mga turing sa pambalanang nabubuo sa isipan o damdamin
                      Halimbawa : pagkakaisa, kasiyahan, katahimikan, katapangan, kalayaan
                * Pansining ang mga basal ay karaniwan pinangungunahan ng panlaping ka- o pag-.


 MGA KASARIAN NG PANGNGALAN
     a. Panlalake ( Masculine) - mga pangngalang tumutukoy sa panlalakeng kasarian
        Halimbawa : tatay, lolo, Jose, kuya, tandang, barako, kalakian, Mandy, abogado, tiyo, bayaw, pari
     b.Pambabae (Feminine) -mga pangngalang tumutukoy sa pambabaeng kasarian
        Halimbawa - nanay, lola, Josefa, ate, inahin, abogada, doktora, madre, tiya, hipag
     c. Di-Tiyak (Neuter) - mga pangngalang tumutukoy sa di-tiyak na kasarian , maaaring lalake o babae
        Halimbawa - magulang, matanda, bata, kapatid, manok, kalabaw, manggagamot, manananggol, asawa
     d. Walang Kasarian (Common) - mga pangngalang tumutukoy sa mga walang kasarian
       Halimbawa - bahay, tungkod, palengke, paaralan, aklat


MGA KAUKULAN NG PANGNGALAN
  a. Palagyo - kung ang pangngalan ang pinag-uusapan o kumikilos sa pahayag (subjective)
   * bilang simuno - Si Jose Rizal ay nagsulat ng mga nobela. (subject)
    * bilang kaganapang pansimuno- Ang pinuno ng Katipunan ay si Andres Bonifacio. (subject complement)
    * bilang pamuno- Ang Noli Me Tangere , isang nobela, ay tumatalakay sa isyung politikal. (appositives)
 
b. Palayon - kung ang pangngalan ay ginamit bilang tagatanggap (objective)
     *bilang tuwirang layon - Naghanda ng pagkain ang aking Nanay para sa pamilya. (direct object) 
     *bilang layon ng pang-ukol - Naghanda ng pagkain ang aking Nanay para sa pamilya ( object of the preposition)

c. Paari - kung ang pangngalay ay tumutukoy sa pagmamay-ari (possessive)
        Ang tungkod ni Lolo ay mahalaga sa kanyang paglalakad.