Sabado, Hunyo 29, 2013

Ang Mga Kayarian ng mga Salita

Ang Mga Kayarian ng mga Salita
 *kayarian (form)- pagkakabuo, porma

    Ang mga salita ay iniuuri ayon sa kanilang kayarian. Mayroong apat na kayarian ng mga salitang Filipino. Ito ay ang mga sumusunod:
   
    A. Payak  - Ito ay tumutukoy sa mga salitang nasa pinakasimpleng kayarian. Tinatawag din itong salitang- ugat.
         Halimbawa:   bata  laro  ayos  salita  ganda  takbo

    B. Maylapi - Ito ay tumutukoy sa mga salitang may panlapi. Maaaring mabasa ang panlapi sa unahan ( unlapi), gitna ( gitlapi) , hulihan ( hulapi) at kabilaang bahagi ng salitang-ugat.
         Halimbawa:   kabataan  maglaro  umayos  nagsalita   pinaganda   tumakbo

    C. Inuulit - Ito ay tumutukoy sa mga salitang inuulit. Maaaring buong salita o ilang pantig lang ang ulitin.
         1. Inuulit na ganap - buong salita ang pag-uulit
               Halimbawa: araw-araw  sila-sila  bata-bata  ganda-ganda
         2. Inuulit na di-ganap - inuulit ang ilang pantig ng salita
               Halimbawa: kabi-kabila  dala-dalahan  kapa-kapatid

    D. Tambalan - Ito ay tumutukoy sa dalawang salitang magkaiba ang kahulugan na pinag-isa. Maaari itong magkaroon ng ibang kahulugan.
         1. Tambalang ganap - mga salitang tambalang nagkakaroon ng ibang kahulugan kapag nabuo na
                Halimbawa - bahag (g-string) + hari ( king

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento